"Paalam" by Jazy
Siguro nga napakadaling iwan ako
Siguro nga napakadaling talikuran ako
Pero anong magagawa ko? Napaka simple ko
Pasensiya na ngunit di ko sinsadyang magkagusto sa iyo.
Pasensiya kana kung mas pinili mong lisanin ang pahina ko
Bilang libro ng buhay mo ako'y nalungkot dahil sa kagustuhan mo.
Ikaw lamang ang lalaking nag lakas ng loob na basahin ako,
Ikaw lamang ang lalaking di nag sawang basahin ang ugali ko.
Ikaw lamang yung lalaking nag pakita na mahal ako.
Isa kang LAPIS na patuloy na sumusulat sa mundo ko,
Patuloy na umuukit sa puso ko,
Ngunit ako'y humihingi ng kapatawaran sa iyo
Dahil hindi ko naibigay ang pahina na pinaka gusto mo,
Yun yung MAGING TAYO.
Patawad sa aking mga nagawang kasalanan sa iyo,
Nagawa mong punitin ang pinaka gusto kung pahina sa buhay ko
Yun yung maging MAGKAIBIGAN TAYO.
Magkaiba tayo ng GUSTO pero parehas tayo nang nararamdaman sa mundong ito.
Ako'y isinarado mo ramdam ko ang mga kamay mong humahalik sa buhay ko.
Ikinandado mo ko dahil alam mong yun ang tama para sa iyo
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Paalam sayo.
Photo: Jazy
lines, verses & more...
About Me
Popular Posts
-
A special place is worth reminiscing! photo: Daphne As I lie in bed And gaze into space Your face, the stars have painted At the horizon...
-
A grandpa's joy seeing his first grandchild makes his first steps. photo: Pakoy Your little cry brings joy and delight To your mother w...
-
The truth about John 3:16. photo link “For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him shoul...
-
A Love note for a very special woman in my life. photo: Brad & Angelina ‘Twas a moment to celebrate with glee The day I met my special l...
Blog Archive
feedjit
Followers
Powered by Blogger.


0 comments:
Post a Comment