Wednesday, October 17, 2012

Maalaala Mo Kaya?

A recollection of my childhood life.

Papaleng Dekada '60

Maalaala mo pa kaya noon na diyes sentimos lang ang pasahe, kandong libre pa; babae lang ang may hikaw, preso lang ang may tattoo. Si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo mababasa. Ang intindi mo ng LOL ay ulol imbes na Laughing Out Loud. Arcegas, Shoeworld at Escolta lang ang shopping-an sa bansa. Rizal Theater ang sikat na sinehan.

Diyes lang din noon ang isang basong taho: kailangan mo na magdala ng sariling baso, kasi wala pang plastic cups noon si Mamang Magtataho. Chocnut, bukayo, galyetas at kending Vicks ang pinag-gagastusan ng singko mo. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine ang pampataas. Cortal at Medicol pagmasakit ang ulo sa umaga.

Nagkaka-kalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo sa school paper; uso pa noon ang carbon paper. Lata ng sardinas ang laruang oto mo at bearing ang gulong ng skating mo. Singkuwenta sentimos lang songhits. Pango pa si Vilma. At kay Paeng Yabut ka lang naniniwala pagdating sa panahon at balita.

Singwenta sentimos lang din ang pa-gupit, at pinagtatawanan ang kalbo. Hindi uso ang gusot na buhok o damit. Nakakahiya kung nakalitaw ang half slip ng babae; at di dini-display ang pusod, strap ng bra o panty. Naku, bibihira lang noon ang bakla!

Hostess pa ang tawag noon, ngayon GRO. Malalapad at mahahaba pa ang underwear, hindi yung parang mga tali na lang. Ang mga lola sa kalye lang jumi-jingle, hawak ang saya sa likod at harap - patayo pa. Payat na payat pa ako noon, at malago pa ang buhok ko……. kung maalaala mo kaya.”

Ewan ko ba. Basta ang alam ko, "Malaala Mo Kaya” ay kanta ni Armida. O di ba?

49 comments:

  1. LOL.. oo nga, pero hindi ko na inabot yan bente singko na ang sa akin papaleng.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibig sabihin lang nyan, mas masarap na buhay ang napagdaanan ko..LOL

      Delete
  2. Pango pa si vilma noon? akala ko orig yong ilong nya! :-) Ang saya siguro noon ano?

    ReplyDelete
  3. Pango pa si Vilma noon? Akala ko orig yong ilong nya! :-) Ang saya siguro noon ano? Kahit walang internet maligaya pa rin. simple kasi ang buhay...:-)















    ReplyDelete
  4. Ang mura pa ng presto noon. Natawa at naaliw ako sa sinulat mo papaleng.

    ReplyDelete
  5. Agree ako sa mga napansin niyo po, Sir Donald.. sa katunayan, naabutan ko pa ang ilan ng nabanggit niyo katulad ng mga kendi dati na mura ko lang nabibili.. pati na din ang mga babaeng konserbatibo pa noon.. bata pa naman po ako.. pero madami pa din akong naalala sa nakaraan.. :)

    ReplyDelete
  6. Napaksimple ng buhay dati di po ba pero napakasaya. Kaya kapag nakikita ko yung mga sikat na "brand" noong araw na ginagamit pa ngayon, natutuwa ako dahil sa magandang alaalang ibinigay nila sa akin.

    ReplyDelete
  7. Hahahaha..dami kong tawa. Opo halos lahat nagbago. Like reading your post papaleng.

    ReplyDelete
  8. uy masarap ngang balikan mga nakaraan.. d ko masaydo naabutan may naranas mo papaleng kasi '67 pa lang ako napanganak pero alam ko mha nasabi mo.. about Vilma d ko alam un ah

    ReplyDelete
  9. Nyahaha. Di pa ako tao nyan nung nangyari yang mga yan XD

    ReplyDelete
  10. Natawa naman ako sa post mo. Napakasenti pero may point.

    ReplyDelete
  11. Funny post. But true actually. Those were the days.

    ReplyDelete
  12. How time has brought about a lot of change: now everything is ten times or more what they used to cost - and the bald look is in style!

    ReplyDelete
  13. hahahaha. Natawa ako sa LOL. oo nga ano. Dati mura iyon ngayon pa-cute na sya. Hindi ko alam na dating pango si Vilma.

    Sarap naman magbasa ng ganitong blog. Share ko nga to sa FB. Gawa ka pa ng marami 70s, 80s, 90s at 2000+

    ReplyDelete
  14. naku, ako din singkwenta sentimos ang baon ko, ung diyes e kulang pa ang isang palad ko sa kending binibili ko :)
    kapag piso ang baon ko, nkakabili na ako ng pepsi at saka mongol kapag naiwawala ko ang lapis ko :)

    sarap sariwain ng ating simpleng kabataan. nakakaaliw naman itong sinulat mo. woot!

    ReplyDelete
  15. nostalgic mode lang papaleng pero true, mas simple ang buhay.. ang pamilya madaling mag-usap usap ng walng distraction tulad ng cellphone, ipad at kung anu-anong gadgets, masarap maglaro sa labas lalo na sa hapon kahit lata at sinelas lng ang laruan o kaya plastik na bola na pang football, umakyat sa puno or manungkit ng mga prutas..manghuli ng tutubi gamit ang kamay sa damuhan lalo na pag malapit na tag-ulan..

    ReplyDelete
  16. Swak Papaleng! Dami kong tawa dito habang binabasa ko to. Maalala ko pa noong araw, nanghihiram pako ng typewriter para lang makasumite ng proyekto sa skul. 5 pesos ang baon ko, masaya nako. Ngayon di na kasya pangpamasahe sa dyipni. Di ko inabot yong 10 sentimos,LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. PApaleng, kahit na pangalawang balik ko na todits, andami ko paring tawa. Hahaha! Kung maibabalik nga lang ang kahapon.

      Delete
  17. Masarap balikan ang nakaraan ano? Nakakaaliw basahin etong post mo. Nag-enjoy ako.

    ReplyDelete
  18. ang gandang write-up! naaliw ako! salamat po sa pag share nito :)

    ReplyDelete
  19. Nakakatuwa. Parang ang sarap ng buhay nung 60s. Hindi ko na naabutan sayang.

    ReplyDelete
  20. nakakatuwa naman pong mabasa ito...narinig ko na din ang iba sa mga nasulat nyo sa mama at papa ko, hehehe! salamat sa pagshare ulit, na-miss ko po tuloy lalo sila...:) ang sarap talagang maalala ang simpleng pamumuhay nuon.

    ReplyDelete
  21. lol! ahahah, natawa naman ako dito "Ang mga lola sa kalye lang jumi-jingle, hawak ang saya sa likod at harap - patayo pa.". Kasi nung maliit pa ko, nakita ko one time isa kong lola umiihi ng ganito.

    lahat yang mga binaggit mo ay naabutan ko.

    ReplyDelete
  22. Grabe! Ang dami kong tawa dito. Ahahahah! Will share this to my friends.

    ReplyDelete
  23. Ang saya din balikan sa alaala ng nakaraan ano po?! Naaliw ako dito sa post mo :)

    ReplyDelete
  24. haha, hindi ko ma-alala magkano ang pamasahe Donald, kasi nilalalakad ko lang eskwelahan, pero halos lahat ala-ala ko, like yunr typwriter at carbon paper :) haha, hirap nun, pag nagkamali ako sa pag-type, uulitin ko talaga kasi ayaw ko nung may marka. haaaaaaay. ngayun, delete na lang. pero, ang saya-saya nun, kasi, mura lang lahat, at sarap nang taho! di ko alam na pango si Vilma, haha!

    ReplyDelete
  25. Ang dami talagang nagbago sa mundo. :-) Imagine dies sentimos lang ang pamasahe? Yun naabutan ko was 1 peso.

    ReplyDelete
  26. Papaleng, I love your posts talaga.. ipo post ko ito sa facebook ko ha..hahaha....I will give you credits...love it! love it!

    ReplyDelete
  27. how cute....this made me smile...thanks for sharing the story.

    ReplyDelete
  28. hahahha,pinatawa mo talaga ako ngayong araw na ito,Papaleng, di ko talaga makalimutan yang typewriter sa mga projects ko sa school at ang hirap pa noon gamitin kasi walang delete.lol

    ReplyDelete
  29. papaleng, maalaala ko pa nung ako'y bata pa ay nakakabili pa ako ng singko sentimos na cookies na mas malaki pa sa oreo. ang baon ko noon ay 25 sentimos lamang ngunit ako'y nabubusog na tuwing recess time. salamat sa iyong obra, nakakatuwang magbalik tanaw. :)

    ReplyDelete
  30. it is so nice to go back and remember those younger years, when we do that, it brought smiles to us, knowing how innocent we were back then..thanks for sharing

    ReplyDelete
  31. Naalala ko 2.50 peso lang pamasahe sa jeep makakapunta na ako sa school

    ReplyDelete
  32. Hahaha! Naaliw ako! Ang simple lang talaga ng buhay nuon. Puwede bang bumalik? Hehehe!

    ReplyDelete
  33. hahaha ang sarap basahin, ang iba po dito inabot ko. syempre, hindi na un diyes... na pamasahe sa jeep. basta ub Growers peanuts, 6o cents. pinupunit un packaging. :) tapos un Coke, 1.50 lang yata. pero sobrang bata pa po ako nun hahaha

    ReplyDelete
  34. waaaaaaaaaaaaa.. kaya masarap mabuhay dati.. mas madali mabuhay.. kaya ngayon hirap na hirap umahon ang mga baon.. ako ang naalala ko yung cherry balls na magkukulay yung dila at lips mo at yung cheese curls na di takal hahaha.. nice share..

    ReplyDelete
  35. Hahaha.. ganon na ba ako katanda hahaha...sikat nga ang Escolta noon, at chocnut ang paborito ko noon...at yari pa sa kahoy ang Quaipo Church at maliit lang lol.. wala pang internet noon, walang ipod, ipad, pero ipaid mayron nyahaha...sikat din ang ma mun luk... oha!! naaalala ko pa toink!

    kaka aliw ka papaleng!!

    ReplyDelete
  36. Ang sarap lang talagang balikan at basahin yong mga nakaraan... kasi parang ang gaan lang ng buhay noon kahit pa sabihin na salat sa makabagong teknolohiya at kaalaman. Gusto ko ton...

    ReplyDelete
  37. I really do love this piece of yours paps.
    Ikaw na ang makata!

    Sarap magbasa ng mga ganto!

    ReplyDelete
  38. Oops alam ko po yung vicks na kendi, yun po yung hugis tatsulok di ba? E yung adong po, Lala na kung tawagin ngayon. Nahahati pa dati sa gitna ang isang piraso, ngayon bawal na tingi. Ganda po nito.

    ReplyDelete
  39. Haha! katuwa! kaka-miss balikan yung simpleng buhay dati.. Alala ko may family size pa na coke.. wala pang litro.

    ReplyDelete
  40. share words of motivation friend
    People who think negatively always sees the difficulty in every opportunity, while successful people are always looking for an opportunity in every difficulty.
    Greetings, success always and I wait behind the visit: D

    ReplyDelete
  41. hahaha, sya pala ang orig na kumanta ng "maala-ala mo kaya"? medyo naririnig ko pa ang mga ganung terms sa panahon ko... hahaha... Yahweh bless.

    ReplyDelete
  42. Pang MMK ito Kuya! Ang naalala ko eh yung pabaon ni Mama sakin na 5 sentimos pambili ng delimon kendi pagka recess lol.

    ReplyDelete
  43. This is so funny kuya! I was born in Dekada 70's so nakakarelate pa po ako dito sa mga sinabi nyo. Naabutan ko ba Escolta, yung pagkasarap-sarap at murang taho, yung baon na bente singko nung elementary ako is more than enough to buy me a soda and sandwich sa school, yung pagkahaba-haba na school uniform kasi magagalit ang mother superior kapag ibabaw ng tuhod, yung mga pangong artista na ngayon eh matatangos na, yung snack na chocnut tsaka Nutribun...hay... Mas masaya nung araw. Lahat simple lng...

    ReplyDelete
  44. Tama ka, Papaleng, simple lang buhay noon pero ang saya-saya. Na-abutan ko pa yong typewriter pero hanggang high-school lang at nag computer na kami yong pag second year high school ko.Yong pamasahe di ko na alam kasi nilalakad lang namin papuntang school, libreng exercise kaya yon.hahhahah

    ReplyDelete
  45. HA ha ha dami ko pong tawa sa post na ito kakaaliw :) so true life way back is plain and simple yet, people are happy and contented

    ReplyDelete
  46. Ang sarap ibalik ng nakaraan. Sana ganun na lang. hehehe

    ReplyDelete
  47. I'm a batang 90's so I'm familiar with some of those things dahil sa mga kwento ng mga titos and titas! I wish I was born in the time where a single .25 cent means a lot to all of us! Except yung nasa Us ha. LOL

    ReplyDelete