Isang makabagbag damdaming likha ni Crystal Ardecer
Ina na siyang ilaw ng tahanan
Inang nagsilbing sandalan
Nang mga luhang galing sa aking paaralan.
At galing din sa mga umaaway sa akin na mga kabataan.
Hindi mo ako pinabayan
At ako'y iyong pinatahan.
Simula pagkabata
Ikaw na ang aking kasama
Sa mga iyak. lungkot at saya.
photo: Crystal
Hanggang sa paglaki ko
Kita ko lagi ang suporta mo
Maliit man o malaki ito
Pero bakit ganoon?
Sadyang mapaglaro ang panahon
Di ko alam kung saan ako papatungo
Nung kami'y nilisan mo.
Ina, Nay, Ma
Asan ka na?
Bakit mo kami iniwan?
Sino magluluto sa akin ng umagahan?
Sino na magpupunas ng mukha kong basa ng mga luha?
Sino na sa aki'y gigising sa umaga?
Sino magpapaalala na ang i.d ko ay dala?
Inang nagsilbing kaibigan at kapatid
At naglaho lang yun dahil sa panahong sobrang tipid
Sino na sa aki'y mangugulit?
Sino na sa aki'y magpapahagikgik?
Sino na sa aki'y magsasabing "anak laban lang wag ka magpapadaig.."
Sa bawat gabi na ako'y nagluluksa
Tanging alaala na lang ang aking dala
Naiinggit sa mga kabataang naglalakad... kasama ang kanilang ina
Sa mga kasing edad kong kasama sa profile ang kanilang ina
Natatandaan mo pa ba nung ako'y iyong kinukutya?
Hindi ko yung pinansin makita lang kitang masaya
Hindi pinapakitang ako'y naiinis kasi iyon ang yong ikinatutuwa
Nagulat ka nga nung ikay tumigil at biglang ngumiti.
Ma miss na kita
Ang iyong pag-aalaga
Ang iyong mga tawa
Luto mong ibat-iba
Pati na rin yung minsang niyakap kita at sinabi "Ma I Love You"
lines, verses & more...
About Me
Popular Posts
-
This could be my last request to my children. Child, when my I eyes failed me And I intentionally broke a glass or plate Don’t get mad and b...
-
It’s not one’s position that matters, but how well you love and enjoy your career. In an alumni reunion, again I met Three J’s whom friendsh...
-
A father constantly thinking of his daughters' happiness. photo: Karen Mae My lil’ darling, please don’t cry Wipe those tears and smile ...
-
A humble gift for my ex-girlfriend who is now my wife. A red rose, sits in my hand Like a gem, I treasure A humble gift to a wonderful wom...
Blog Archive
feedjit
Followers
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment