Saturday, November 10, 2012

Payong Kahayupan ni Papaleng

O, anak, natawa ka siguro sa sinabi kong KAHAYUPAN, Cool dad ako pero, hindi kita tuturuan ng kalaswaan. Halika ka rito at pakinggan mo ang ikukuwento ko sa iyo. Alam mo bang may mga magagandang aral kang mapupulot, sa pagmamasid mo lamang sa mga ikinikilos ng mga hayop. Eto yung pitong idolo kong hayop.

photo: Kevin Clint

Minsan, malakas ang ulan, dala ng isang bagyo. Napasilip ako sa bintana at nakita ko kung paanong pinayuyuko ng malakas na hangin ang isang malaking puno. Nakaagaw ng pansin ko yung isang basang GAGAMBA na abalang-abala sa pagkukumpuni ng bahay nya. Wow! Hanga ako sa katapangan na ipinamalas ng hayop na ito. Naisip ko, sana ganoon ka anak, kahit dumating man ang isang malakas na bagyo sa buhay mo magpapakatatag ka pa rin. Sabi nga ‘Never Surrender!’

Siguro , pamilyar ka na sa taglay na lakas ng isang langgam. Madalas ko kasing nakikita itong PULANG LANGGAM kung paano nya nakawin at itakbo ang butil ng bigas papalayo sa sako. Ordinaryo lang yun, Ang higit na humanga ako ay ng makita ko ang isang pulutong ng mga langgam na pilit hinihila papunta sa kanilang kuta ang isang patay na butiki. Sus! ang lakas nila. Naisip ko rin, kung ang tao lang magkakaisa at magtutulungan, kahit siguro kahigante ang isang gawain, maisasakatuparan din. Hay, sana ganoon ang maging mentality mo, Fight! Fight! Fight! Hindi yung “crab mentality”.

Doon naman tayo sa tinitingala kong hayop, as in literal na tinitingala. Ang BUTIKI - bow. Mapalad na mga butiki, kahit sa Malakanyang makikita mo sila sa mga kisame. Naalala ko tuloy ang sabi ng tatay ko noong tinanong ko kung ano ang magandang kurso sa kolehiyo, Eh ang sagot ba naman sa akin, ‘yung titingalain ka anak.’ Hanep, ayos na sana, eh humirit pa, try mo kaya anak na maging lineman ng Meralco o PLDT. Nyek. Pero hindi yung ‘tinintingala trait’ ng butiki ang hinangaan ko sa hayop na ito. Bagkus yung attitude nilang bago mag takip-silim, eh hindi makakalimot na humalik sa lupa. Sana ganoon ka anak, kahit yumaman ka na at magkamal ng powers, eh huwag mong kalimutan na iaapak ang mga paa mo sa lupa. Gets mo ba? Sa maikling salita, dapat matuto kang magpakumbaba!

Tiyak mabibigla ka sa susunod na hayop na hinahangan ko. Sila yung IPIS. Yak!! I agree, kadiri to death nga sila, pero alam mo ba mas kadiri ang bahay mo kung wala sila. Pasalamat ka sa mga hayop na yan, amag-seekers sila. Ganyan din sana ang maging pagtingin mo sa kapwa tao mo. Hindi porke madumi ang kasuotan nila o sabihin na nating pati ugali nila, may gamit din sila sa lipunan, Kaya anak, huwag ka sanang maging isang mata-pobre o mapanlait.

Syempre kapag nabanggit ang PARU-PARO, ang laging adjective na masasabi mo, ‘maganda at makulay’, Tama, halos ganyan ang sasaihin ng karamihan sa atin, Pero alam mo ba na bago maging isang hinahangaang insekto yan, -- isa muna siyang napakapangit na nilalang! Right, isa siyang kadiring caterpillar. Eh di ba, ayaw mo ngang hawakan yan at baka mangati ka pa. Pakatandaan mo anak, susukatin ka ng lipunan hindi kung ano ka noon, kundi kung ano ang naging accomplishment mo ngayon . Gets mo pa rin ba?

Siguro, hindi ka pamilyar sa ALITAPTAP (firefly) kasi halos doon mo lang makikita yan sa probinsiya, Sila yung malilit na insekto… pero hanep sa boltahe. Akalain mong gaano man kadilim ang paligid, makikita mo sila. Surprise ka ‘no? kasi makislap sila. Sige minsan ihuhuli kita ng isa ng hindi ka na “doubting Thomas”. Pero, may maganda rin lesson naibibigay ang alitaptap. Dapat, anak, magsilbing liwanag ka rin sa iyong kapaligiran. Di ko na i-explain, self-explanatory na yan.

Lastly, yung PALAKA, hanga rin ako sa kanila. Hindi dahil sa hitsura nila, bagkus sa pagiging vocal nila. Hoy, bata, baka akalain mo gusto ko na maging dakdakero ka. Lalong ayokong maging tsimoso ka. Ang nais kong tularan mo sa kanila eh, yung pag-kokak nila tuwing umuulan. Yun daw ang paraan nila para sabihing “Thank you Lord sa blessings.” Kaya anak, dapat lagi kang magpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natanggap at matatanggap mo.

BTW, anak bago ko makalimutan, eto naman pala yung ilang hayop na huwag mong tularan, BABOY, BUWAYA, LINTA at AHAS. Kailangan pa bang i-memorize yan. Pasensiya ka anak kung inilagay ko narin ang name ko sa itaas, kasi baka after 2 years may umangkin na naman ng walang kwentang akda kong ito.

PAHABOL anak, bertdey mo na pala, eto na lang ang regalo ko sa iyo. Alaws atik ang erpat mo. Di bale LABS -na- LABS naman kita.

58 comments:

  1. salamat bunso, ganyan lang ako kasi walang pera. LOL

    ReplyDelete
  2. Ay birthday pala! :) Happy birthday po! ^_^

    ReplyDelete
  3. Naaliw ako sa akda mong toh, Papaleng! Hanep sa kahayupan! LOL! Happy bday po sa anak nyo na kapatid din ni KM ;-)

    ReplyDelete
  4. waley ako ma-sey, trulala lahat ng sinabi mo Papaleng, you're so cool.. :) and hapi bertdey na rin sa anakis mo.. :)

    ReplyDelete
  5. Very inspiring words from a father.

    ReplyDelete
  6. you are a great dad, papaleng!

    ReplyDelete
  7. wow bihira lang ang tatay tulad mo!! il toss to that!

    ReplyDelete
  8. Marami ngang kabutihan ang matutunan sa mga hayop at insekto mula sa pagiging masipag hanggang sa pagiging maaruga at iba pa.

    ReplyDelete
  9. Pambihirang payo galing kay Papaleng. Sapol ka talaga!

    ReplyDelete
  10. Great lesson there. Hayop talaga sa aral. Great Jobe. :)

    ReplyDelete
  11. Natawa naman ako sa yo Papaleng. Pero may magagandang aral nga tayong napupulot sa mga hayop na nabanggit mo. Maligayang kaarawan sa iyong anak!

    ReplyDelete
  12. Words from the heart of a loving father. Galing naman.

    ReplyDelete
  13. ganun pala ang butiki. pero inis ako sa kanila kase daig pa nila ang daga kung makadekwat ng pagkain. simple pero matulis. hehe

    ReplyDelete
  14. great thoughts papaleng, I really read them through. Salamat po sa mga paalala :) Cheers!

    ReplyDelete
  15. ang galing mo sumulat papaleng...very symbolical :) pero spot on lahat ng analogy mo ha. minsan nga, mas mabuti ba umasal ang hayop kesa tao eh. sabi nga nila, mas madali daw magpaka-hayop kesa magpaka-tao... tama naman di ba? :)

    ReplyDelete
  16. Ang galing, ang cool mo, hehehe kailangan pa ba i explain yan lol, eh nasa pagsusulat mo na eh. Ang swerte ng anak mo Papaleng. ang galing galing.. palakpak pati paa. LOL

    ReplyDelete
  17. Love the ant example, and the spirit behind the lesson of unity behind it.

    ReplyDelete
  18. your son is very lucky to have such a cool and witty dad. nag gigitara ba anak mo papaleng? pwede na kayo mag compose ng kanta based dito sa sinulat mo...tiyak na hit yun...title pa lang bet na :D

    ReplyDelete
  19. For sure, your child will appreciate this piece. Galing naman. :) You're such a loving dad.

    ReplyDelete
  20. papaleng, you are an awesome father, your kids are lucky to have you as their guidance

    ReplyDelete
  21. for a young rocker looking Dad like you, I think your son will be very proud to have you as his Dad. cool message and happy birthday to your son.

    ReplyDelete
  22. What a loving dad you are Papaleng, am sure your children loves you so much for being so cool and for being YOU!

    ReplyDelete
  23. Ha,ha,ha. cool dad talaga si Papelang. Kokak pala is saying thank you to our God, cool. And the ipis ,yeah ,kadiri talaga ,so I don't mind kahit no ipis ang house ko, so yucky naman.

    ReplyDelete
  24. Hip and cool papaleng hehe. Thanks for sharing that entertaining read. Great one.

    ReplyDelete
  25. Nakakatawa ang post mo Sir! :)

    I dread ipis and butiki. I am thankful that here in the US, I have never seen them in my abode. :D

    ReplyDelete
  26. kahanga hangang payo. i like it papaleng, sasabihin ko din ito kay Destine paglaki na nya.. he he

    ReplyDelete
  27. Nagbabalik para sa isa uling malaking tawa sa akdang eto, Papaleng. Hahahaha! Pero ha, andami ko pong natutunan dito. Maraming salamat at ngayon susubukan ko ng mahalin ang mga hinayupak na hayop na nabanggit nyo po dito, LOL!

    ReplyDelete
  28. Happy Birthday to your son! tama nga marami tayong mapupulot na aral sa mga hayop sa paligid natin :)

    ReplyDelete
  29. Ikaw na talaga ang cool blogger dad! Happy Birtday sa iyong anak po :)

    ReplyDelete
  30. That was awesome! Very creative! Minsan yung mga bagay na hindi natin pinag tutuunan ng pansin, dun pala tayo makakapulot ng magagandang aral. :)

    ReplyDelete
  31. ang galing naman talaga ni Papaleng...happy birthday sa kanya. i am sure you're a great dad. :) matanong ko lang po, nabasa na po ba nya eto? if yes, ano reaction, hihihi!? curious lang po ako. :)

    ReplyDelete
  32. Galing mo papaleng, akala kokung ano talaga at buti binasa ko.hehehhe, at may napulot ako ngayon.Happy birthday po sa anak mo.

    ReplyDelete
  33. hahhaa...ang galing galing...bilib ako sa ginawa mo papaleng...very cool dad!

    ReplyDelete
  34. You're writing are cool man. Nakakatawa and of course with sense of wit naman if you think it through - letting us know the depth of emotion you've put through. Good luck sa writing venture mo.

    ReplyDelete
  35. Kaya gustung-gusto kong magbasa ng blog mo ay natatawa akong madalas sa katotohanang sinasabi mo.

    ReplyDelete
  36. NakakaBILIB po kayo ERPATS PAPALENG!! Nagawa mong ipaliwanag ang bawat pakinabang ng mga hayop sa akda mong ito at sadyang NAALIW ako.

    Ang bawat nilalang ng DIYOS sa mundong ito ay may SILBI at kahit na ang IPIS na kadiri-diri ay may mahalagang papel pala... pero gayon pa man, AYOKO pa rin sa kanila dahil sa bahay... AKO na ang tagaHAMPAS para sila matepok, AKO pa ang taga-dampot. YAK talaga! :)

    Maligayang kaarawan sa iyong anak. Sigurado akong maiintindihan nya ang mga payo mong ito.

    ReplyDelete
  37. Ang cool naman ng dad na ito! Papaleng, ang ganda ng pagkakasulat mo, wag ka po magtaka kung ma-cut and paste ito hahaha. Ang galing sir, nakuha ng article ang attention ko mula umpisa hanggang sa huli. and asking for more pa ko! Love your stories about animals :)

    ReplyDelete
  38. onga noh? ang galeng ng gagamba, hindi na napagod....cool Papa P

    ReplyDelete
  39. Maganda! Hayop na hayop sa aral. ^_^ Too nga na minsan, hindi na natin kailangan ng makakapal na libro para mabigyan ng mgandang ang aral ang mga bata.

    ReplyDelete
  40. heheh, enjoy ako nito even if medyo nahirapan akong basahin (Tagalog being my 3rd language). bow!

    ReplyDelete
  41. Puro nga kahayupan pero nakakatuwa ang pagkagawa at sana natuwa sila sa regalo mo.

    ReplyDelete
  42. hahahaha. ang galing ng mga payo mo sa iyong anak. ang mga hayop na ito ay dakila sa kanilang mga sariling paraan. :)

    ReplyDelete
  43. haha galing! read this word for word talaga papaleng, swear! galing nyo po! :D nkakatawa na puno ng aral :) pero ayoko pa din maging ipis :D

    ReplyDelete
  44. Naku tay, hanga ako sa personal mong sulat sa iyong anak, lalo pa't Inihalintulad (tama ba tagalog ko?) mo ang aral na pwedeng mapulot sa simpleng paguugali ng mga hayop at insektong inyong inilarawan. :)

    ReplyDelete
  45. At least, dalawa na pala tayong Cool Dads dito. Hehehe. Naaliw ako ng husto sa kwento mo. :D

    ReplyDelete
  46. Is this for your real son? Haha I don't mean that there's a fake one but is this a true open letter? :D How touching. Happy birthday to your kiddo. :D

    ReplyDelete
  47. wala ako masabi sa lahat ng mga sinabi mo kasi true lahat... ang mas hinahangaan ko yung kung mano no sinulat yung article somehow most words rhyme. I like the ipis thing hehe kasi medyo ayaw ko talaga sa kanila pero tama ka nga, karamihan sa atin kung ano ang panlabas na anyo dun na ang basehan ng kung sino ka.. nakakalungkot man isipin pero karamihan yata sa atin ganun na talaga, yun na kasi namulatan nating ugali... ay masyado na yata mahaba comment ito hindi artikulo hehehe :)
    anyway so nice
    style me pretty

    ReplyDelete
  48. BOOM!!! ang galing ng akda ah.. hahaha.. natawa ako sa IPIS.. sabagay, tama nga naman. now it makes sense.. hayop na advice to!!!!

    ReplyDelete
  49. You're so cool Papaleng, siguro para lang kayong magbarkada ng mga anak mo :)

    ReplyDelete
  50. At binasa ko ulit at muling nagenjoy sa pagiging cool mo Kuya!

    ReplyDelete
  51. Very nice post, Papaleng! I will have to bookmark this to have my daughter read this when she comes home from school. Great lessons there!

    ReplyDelete
  52. wow, yung tungkol sa ipis, di ko alam yun, sa susunod, pag makita ko ipis, magpapasalamat talaga ako, kasi allergic ako sa amag, :)

    ReplyDelete
  53. Ang cool mo Papaleng. Pero tama ka sa lahat ng sinabi mo dito.. Pero I really though na wala talagang use ang ipis. Hmmm

    ReplyDelete
  54. Papaleng, I bet Mommy KM is so proud of having a cool Papa like you :-) How I wish that all Papa are like you. They will give time and teach lessons to their kids :-) My Papa went to heaven 8 years ago :-( I only reminisce his happy memories to me and singing is one of them, that is why I love singing too 'coz I take it from my Papa.

    ReplyDelete
  55. ang galing naman, galing ng pagkakagawa...kasi korek lahat. :) pagbasa ko po ng title kala ko kung ano lang, but in the end...may lessons pa lang matutunan sa bawat mga hayop na nabanggit. korek, wag po nya sana tularan ang baboy, buwaya, linta at ahas. higit sa lahat, na-miss ko tuloy ang papa ko sa post mo na eto...alam mo na, Papa's girl daw ako, eh! :)

    ReplyDelete
  56. Awww. This is so sweet, Papaleng! I'm sure this will make your son happy and proud for having a dad like you. The piece is so beautiful.

    ReplyDelete