photo: Joy
Habang nakahiga sa malamig kong higaan
Sa isip ko'y sumasagi... ating masayang nakaraan
Lalo na ng una kang masilayan
Nangungusap mong mga mata'y hindi ko maiwasan titigan.
Sarili ko'y nababalot sa kalungkutan... noong araw na yaon
Mundo ko'y gumuho... buhay ko'y nagugunaw
Ngunit ang iyong mga ngiti... nagdulot ng wagas na kasiyahan
Mga luha'y pinawi... ligaya'y aking nasumpungan.
Hindi maipintang saya'y aking naramdaman
Sa unang pagkakataon... ako'y iyong sulyapan
Kay sarap alalahanin ng bawat nakaraan
Ngunit kay lungkot isiping ito’y pawang mga alaala na lamang
Magbabalik pa kaya ang dati nating paglalambingan?
Pag ibig na tapat minsa'y nasumpungan
Magbabalik pa kaya ang bawat minsan?
At ika’y mananatili na sa aking mundo at hindi na lilisan.
lines, verses & more...
About Me
Popular Posts
-
A moving poem about a man’s long desire for a kiss from his girl. photo: Grace See how the daisy giggles As the bee whispers sweet nothing H...
-
A thought-provoking poem written by a young student. This young woman is a born poet. Soldiers at War A battle has started upon the eyes of...
-
Just 2 heartfelt poems that I treasure a lot. Lucky are those who up to now have their fathers by their side. But for those who have lost on...
-
The magic of a child's laughter Astin Parker A child laughter is a sweet music to the ear Like angels singing, a joy to listen From a ba...
Blog Archive
feedjit
Followers
Powered by Blogger.


0 comments:
Post a Comment