Tuesday, October 25, 2016

Ikaw?!

Naranasan mo na bang mag mahal ng mali?
Nagmahal ka na ba ng may kahati?
Nang-angkin ka na ba ng pag aari ng iba?
Nagbigay ka na ba ng walang hinihinging kapalit?

photo: Joy

Bakit nga ba minsan may mga bagay na nagagawa tayo na hindi natin inaasahan magagawa pala natin?
Sino nga ba ang may gusto magmahal ng may kahati?
Sino nga ba ang may gustong maging pangalawa lang?
At sino nga ba gustong magmahal ng mali?

Bakit nga ba hindi mo maiwasan mahalin ang pag-aari ng iba?
Na kahit anong iwas mo hindi mo mapigilan?
Pikit mata mo na lang tinatanggap ang katotohanan
Makasama mo lang sya kahit sa konting sandali?

May pag-ibig na dumarating sa maling panahon at maling pagkakataon
Gustuhin mo man makasama sya hindi naman pwede
Minsan iniisip mo na sana sya ang kasama mo
Kasama mong bumuo ng mga pangarap at kasama mo hanggang sa pagtanda.

Sabi nga nila hindi lahat ng mga nagsasama ay nagmamahalan
At hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama
Mapaglaro ang tadhana... minsan akala mo nakita mo na ang taong gusto mong makasama sa habang buhay
Pero sa isang iglap may isang taong gugulo ng mundo mo na magpapabago ng pananaw mo.

Ano nga ba ang dapat at hindi? Ano nga ba ang tama at mali?
Kahit gaano ka katalino sa paraan at buhay, pagdating sa larangan ng pag-ibig mabobo at mabobo ka din
Dahil sa pag-ibig hindi naman utak ang ginagamit kundi PUSO
Kaya hindi mo mapipigilan o mapipili kung kanino ka magmamahal.

Mahirap itama ang mga pagkakamali lalo na kapag nagdudulot ito ng ligaya sa iyo
Subalit kung iisipin mo nga mas masarap tahakin ang tamang landas
Yung bang wala kang nasasaktan na iba
At wala kang nasisirang buhay.

Walang sinuman ang maaari mang husga sa taong nagmahal ng mali
Dahil lahat tayo ay may pagkakamaling nagawa
Ang mahalaga alam mo kung paano ka babangon
At itatama ang pagkakamaling iyong nagawa.

Minsan kailangan gawin ang tama kahit labag sya sa iyong kalooban
Ang pag-ibig naman kasi hindi yan makasarili
Hindi lang kaligayahan mo ang dapat mo sundin
Dapat isipin mo ang taong nasa paligid mo at ang tama.

Baka kailangan maging tapat ka lang sa iyong saloobin
Baka kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo na...
"You have a right love at the wrong time"
Lahat naman pwede pero hindi lahat DAPAT.

an original piece by: Yram Yoj

5 comments:

  1. It's really heartbreaking to love someone that really isn't yours in the first place. But who knows, there might be someone better that God has planned for you.

    ReplyDelete
  2. It's simple...if someone is meant for you, he'll find a way or destiny will find a way.

    ReplyDelete
  3. oh wow!!! life's experience of loving someone that isn't mean for you and with also all against odds. but through that pain we feel, we know how to love more and who to choose.

    ReplyDelete
  4. "You have a right love at the wrong time"

    Feeling ko nangyari sakin 'to too many times before. At feeling ko one-sided lang din halos yun... kasi parang ako lang seryoso. Hehehe. Buti ngayon eh maayos na love life ko. <3

    ReplyDelete
  5. In my younger years I did lol. Glad everything worked out fine for me.

    ReplyDelete