Sunday, May 14, 2017

Para sa Aking Ina

A simple yet a very heartfelt Mother's Day poetry piece

photo: Jazy

Ngayon nakatayo ako sa harapan mo Ma
Lubos na nagpapasalamat sa iyong mga nagawa
Tanging ngiti mo lamang ang aking nakikita
Alam kung nahihirapan ka na,
Ngunit mas pinili mong mag patuloy pa
Kaya hinahangaan kita, Mama.

Ikaw ang nagsisilbing ilaw sa aming buhay
Mga ngiti mong parang bituin
Mga tawa mong nagpapangiti sa amin
Salamat, salamat dahil binigay ka sa akin
Alam ko na Alam mo na minsan gusto mo nang sumuko
Pero di mo matiis kasi gusto mo matupad ang mga pangarap ko.

Di mo ba alam ma na nangangarap din ako
Nangangarap na sana hanggang huli kasama kita at yakap ko
Na sana makita mo kong masayang tumanda ng dahil sa iyo.

I LOVE YOU SO MUCH MOMMY

Na kahit tumanda ka na
Aalalayan ka pa rin
Kahit umiiyak ka na
Pupunasan ko pa rin mga kuha mo
Kahit lisanin mo man ang mundo?
Nandito ka pa rin
Sa puso ko na
Walang sawang
Nagbibigay ng lakas at tibay sa akin.

An original composition of Jazy

0 comments:

Post a Comment